Performed by Miguel Castro/Jenmai De Asis/David Ezra Cruz/Johann Enriquez/Christian Nagano
Music and Lyrics by Gerry M. De Leon
Arranger: Anton Estrella Jr.
Recorded, Mixed and Mastered by Richwell Music Studio
Nanay
NANAY
Mula nang una kong imulat ang mga mata
Ngiti mo ang unang nakita
Tinig mo ang unang musika
Walang sawa mong sinundan
Ang aming paghakbang
Binubuhat sa tuwing nadarapa
Hanap kapag nawawala.
May oras mang hindi suinasadyang ika’y saktan
Ngunit walang hanggananan ang iyong pang unawa
Nanay , di kayang tumbasan ang iyong pagmamahal
Pag-ibig mo kailan man ay hindi humihinto
Sa oras ng lungkot
Sa oras ng saya
Nanay ikaw ay di lumalayo
Sa tabi ko…
Alam kong ako’y kasama sa iyong mga dasal
Kinabukasan ko sa tuwina’y hinihiling sa maykapal
Mga pangaral mo’y baon ko sa aking paglalakbay
Ikaw ang unang guro, ilaw ng aking buhay
May oras mang hindi suinasadyang ika’y saktan
Ngunit walang hanggananan ang iyong pang unawa.
Nanay , di kayang tumbasan ang iyong pagmamahal
Pag-ibig mo kailan man ay hindi humihinto
Sa oras ng lungkot
Sa oras ng saya
Nanay ikaw ay di lumalayo
Sa piling ko…
Nanay , di kayang tumbasan ang iyong pagmamahal
Pag-ibig mo kailan man ay hindi humihinto
Sa oras ng lungkot
Sa oras ng saya
Nanay ikaw ay di lumalayo
Sa piling ko…