Performed by Miguel Castro/Jenmai De Asis/David Ezra Cruz/Johann Enriquez/Christian Nagano
Music and Lyrics by Gerry M. De Leon
Arranger: Anton Estrella Jr.
Recorded, Mixed and Mastered by Richwell Music Studio
Kundiman Medley
Kundiman Medley
Paraluman sa pinto ng ‘yong dibdib
Isang puso ang naritong humihibik
Kaluluwang luksang-luksa at may sakit
Pagbuksan mo’t damayan kahit saglit
Tingni yaring matang luha’y bumubukal
(Tingni yaring luha ay bumubukal)
Humihingi ng awa mo’t pagmamahal
(At humihingi ng awa mo't pagmamahal)
Damhin mo rin ang dibdib kong namamanglaw
(Damhin mo rin, ang puso ko, namamanglaw sa)
Yaring puso sa pagsinta mamamatay mamamatay ay
(Yong pagsinta, mamamatay, ay…)
kung ako man ay iyong siniphayo
Mga sumpa't lambing
Pinaram mong buo
Ang lahat sa buhay ko
ay hindi maglalaho't
Masisilbing bakas
Nang nagdaan
'tang pagsuyo.
Nasaan ka Irog,
Nasaan ka Irog
At dagling naparam ang iyong pag-ibig?
'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin?
Iyong itatangi, iyong itatangi
Magpa-hanggang libing,
Subalit nasaan ang gayong pagtingin?
Nasaan ka Irog
At natitiis mong ako'y mangulila,
at hahanap-hanapin
ikaw sa alaala
(ikaw sa alaala)
Nasaan ang sabi mong
Akoy' iyong Ligaya
(Ako'y iyong ligaya)
Ngayo'y nalulungkot
(Ngayoy nalulungkot)
Ngayo'y nalulungkot
(Ngayoy nalulungkot)
ay di ka makita.
(ay di ka Makita)
Irog ko'y tandaan
Bituing marikit sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo’y ligaya ang taglay
Yaring aking palad iyong patnubayan
At kahit na sinag ako’y bahaginan.
Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig
Na pinakasasamba, sa loob ng dibdib
(Na pinakasasamba, sa loob ng dibdib)
Sa iyong luningning, laging nasasabik
(Sa iyong luningning, laging nasasabik)
Ikaw ang pangarap, bituing marikit.
(Ikaw ang pangarap, bituing marikit.)
Lapitan mo ako, halina bituin
(Lapitan mo ako, halina bituin)
At ating pag-isahin ang mga damdamin
(At ating pag-isahin ang mga damdamin)
Ang sabik kong diwa’y huwag mong uhawin
(Ang sabik kong diwa’y huwag mong uhawin)
Sa batis iyong wagas na pag giliw
(Sa batis iyong wagas na pag giliw)
At kung magkagayon Mutya,
Mapalad na ang buhay ko
Magdaranas ako ng tuwa ng dahil sa iyo
Madaling araw na sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina Irog ko at
Mahalin o ako
At kung magkagayon
Mutya, Mapalad na ang buhay ko
Magdaranas ako ng tuwa ng dahil sa iyo
Madaling araw na sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina Irog ko at
All:
Mahalin mo ako
Manungaw ka liyag
Ilaw ko't pangarap
ALL:
at Madaling araw na.