Performed by Miguel Castro/Jenmai De Asis/David Ezra Cruz/Johann Enriquez/Christian Nagano
Music and Lyrics by Gerry M. De Leon
Arranger: Anton Estrella Jr.
Recorded, Mixed and Mastered by Richwell Music Studio
Isang Kundiman
Isang Kundiman
Nais kong makarinig ng awit na nagbuhat
Sa bayang aking sinilangan.
Malungkot ang manirahanSa bansang ika’y dayuhan
Ako’y nasasabik makarinig
Kung kapiling ka’y
Maiibsan ang kalungkutan
Ngunit dagat ang sa ‘ti’y nakapagitan
May panglaw kislap ng bituin
May hapdi dampi ng hangin
Ako’y nasasabik makarinig ng isang kundiman
Bakit noo’y di ko pansin ang himig ng pag ibig mo
Ngayo’y sabik ang puso ko sa tinig at awitin mo
Kailangan pang matikman ko ang malayo sa piling mo
Upang hanapin ka at mahalin O bayan ko.
Instrumental
Kailangan pang matikman ko ang malayo sa piling mo
Upang hanapin ka at mahalin O bayan ko.
O bayan ko….ooohhh
Nais kong makarinig ng awit na nagbuhat
Sa bayang aking sinilangan.
Malungkot ang manirahan
Sa bansang ika’y dayuhan
Ako’y nasasabik makarinig
Ng isang kundiman
Ako’y nasasabik makarinig
Ng isang kundiman
Isang kundiman.