top of page

Performed by Miguel Castro

Lyrics by Miguel Castro

Music and Arrangement by Jose Paulo Dela Cruz

 

 

I Will See You Soon

€ 1,00Price
  •  

    Paraluman sa pinto ng 'yong dibdib

    Isang puso ang naritong humihibik.

    Kaluluwang luksang-luksa at may sakit,

    Pagbuksan mo't damayan kahit saglit.

    Tingni yaring matang luha'y bumubukal.

    Humihingi ng awa mo't pagmamahal.

    Damhin mo rin ang dibdib kong namaman-glaw,

    Yaring puso sa pagsinta mamamatay, mamamatay, ay.

    Kung ako man ay iyong siniphayo,

    Mga sumpa't lambing, pinaram mong buo.

    Ang lahat sa buhay ko, ay hindi maglalaho't

    masisilbing bakas, nang nagdaan 'tang pagsuyo.

    Nasaan ka Irog?

    Nasaan ka Irog, at dagling naparam ang iyong pag-ibig?

    'Di baga sumpa mo, ako'y mamahalin? lyong itatangi, iyong itatangi, magpa-hanggang libing

    Subalit nasaan ang gayong pagtingin?

    Nasaan ka Irog, at natitiis mong ako'y mangulila?

    at hahanap-hanapin, ikaw sa alaala.

    Nasaan ang sabi mong akoy' iyong ligaya?

    Ngayo'y nalulungkot, ngayo'y nalulungkot, at di ka makita.

    Irog ko'y tandaan.

    Biting marikit sa gabi ng buhay.

    Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay.

    Yaring aking palad iyong patnubayan, At kahit na sinag ako'y bahaginan.

    Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig, Na pinakasasamba, sa loob ng dibdib.

    Sa iong luningning, laging nasasabik.

    Ikaw ang pangarap, biting marikit.

    Lapitan mo ako, halina bituin.

    At ating pag-isahin ang mga damdamin.

    Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin.

    Sa batis iyong wagas na pag giliw.

    At kung magkagayon Mutya, Mapalad na ang buhay ko.

    Magdaranas ako ng tuwa ng dahil sa iyo.

    Madaling araw na sinta

    Liwanag ko't tanglaw.

    Halina Irog ko at mahalin o ako.

    At kung magkagayon Mutya, mapalad na ang buhay ko.

    Magdaranas ako ng tuwa dahil sa iyo.

    Madaling araw na sinta, Liwanag ko't tanglaw.

    Halina Irog ko at mahalin mo ako

    Manungaw ka liyag, Ilaw ko't pangarap, at madaling araw na.

    KUNDIMAN NG LANGIT

bottom of page